I-Airbnb na 'yan.
Puwede kang kumita nang

I-Airbnb na 'yan gamit ang Airbnb Setup

Iniangkop na patnubay mula sa Superhost

Itutugma ka namin sa Superhost sa iyong lugar na gagabay sa iyo mula sa unang tanong mo hanggang sa pagtanggap mo ng unang bisita. Makakausap mo siya sa pamamagitan ng tawag sa telepono, video call, o chat.

Bihasang bisita para sa unang booking sa iyo

Para sa unang booking sa iyo, puwede mong piliing tumanggap ng bihasang bisita na mayroon nang kahit man lang tatlong pamamalagi at may magandang track record sa Airbnb.

Espesyal na suporta mula sa Airbnb

Mabilisang makakaugnayan ng mga bagong host ang mga dalubhasang ahente ng Suporta sa Komunidad na makakatulong sa anumang isyu, gaya ng mga problema sa account at suporta sa billing.

I-Airbnb na 'yan nang may kumpletong proteksyon

AirbnbMga Kakumpitensya
Pagbeberipika sa pagkakakilanlan ng bisita
Sinusuri ng aming komprehensibong sistema ng beripikasyon ang mga detalyeng tulad ng pangalan, address, inisyung ID ng gobyerno, at higit pa para kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng mga bisitang nagbu-book sa Airbnb.
Pagsusuri sa reserbasyon
Sinusuri ng aming pagmamay-aring teknolohiya ang daan-daang salik sa bawat reserbasyon. Bina-block nito ang ilang partikular na booking na nagpapahiwatig ng malaking posibilidad na magkaroon ng mga nakakaistorbong party at pinsala sa property.
$3M na proteksyon sa pinsala
Ibinabalik sa iyo ng Airbnb ang nagastos para sa pinsalang dulot ng mga bisita sa iyong tuluyan at mga pag-aari, at kasama ang mga espesyal na proteksyong ito:
Likhang-sining at mahahalagang gamit
Sasakyan at bangka
Pinsalang dulot ng alagang hayop
Pagkawala ng kita
Masusing paglilinis
$1M USD na insurance sa pananagutan
Protektado ka sa bihirang pagkakataon na may bisitang masaktan o kung mapinsala o manakaw ang kanyang mga pag-aari.
24 na oras na linya para sa kaligtasan
Sakaling maramdaman mong hindi ka ligtas, mabilis mong makakaugnayan sa pamamagitan ng aming app, araw man o gabi, ang mga ahenteng pangkaligtasan na sumailalim sa espesyal na pagsasanay.

Ibinatay ang paghahambing sa pampublikong impormasyon at mga libreng alok ng mga nangungunang kakumpitensya na huling na‑update noong 10/22. Maghanap ng mga detalye at pag‑exclude dito.

Matuto pa

Sagot
sa iyong mga tanong

Interesado ang mga bisita ng Airbnb sa lahat ng uri ng tuluyan. Mayroon kaming mga listing para sa mga munting bahay, cabin, treehouse, at higit pa. Puwedeng maging mainam na lugar na matutuluyan kahit ang kuwartong hindi ginagamit.
Hindi talaga—kontrolado mo ang iyong kalendaryo. Puwede kang mag-host isang beses kada taon, ilang gabi kada buwan, o nang mas madalas.
Ikaw ang bahala. Mas gusto ng ilang host na magpadala lang ng mensahe sa mga bisita sa mahahalagang sandali—tulad ng kapag nag-check in sila. May iba naman na nasisiyahang makilala ang kanilang mga bisita nang personal. Makakahanap ka ng estilong angkop para sa iyo at sa iyong mga bisita.
Malayo ang mararating mo kapag alam mo ang mga pangunahing bagay. Panatilihing malinis ang iyong tuluyan, tumugon kaagad sa mga bisita, at magbigay ng mga kinakailangang amenidad, tulad ng mga bagong tuwalya. Gusto ng ilang host na magdagdag ng espesyal na detalye, gaya ng paglalagay ng mga sariwang bulaklak o pagbabahagi ng listahan ng mga lokal na lugar na dapat i-explore—pero hindi ito kinakailangan. Magbasa pa para sa higit pang tip sa pagho-host
Karaniwang nangongolekta ang Airbnb ng flat fee para sa serbisyo na 3% ng subtotal ng reserbasyon kapag nabayaran ka na. Nangongolekta rin kami ng bayarin mula sa mga bisita kapag nag-book sila. Sa maraming lugar, awtomatiko ring kinokolekta at binabayaran ng Airbnb sa ngalan mo ang mga buwis para sa turismo. Matuto pa tungkol sa mga bayarin

May mga tanong ka pa ba?

Makakuha ng mga sagot mula sa bihasang Superhost na malapit sa iyo.