Makahikayat ng mga bisita gamit ang bagong pag-test sa bilis ng wifi

Alamin kung paano beripikahin at ipakita ang bilis ng iyong wifi—na isang nangungunang amenidad sa Airbnb.
Ni Airbnb noong Ago 11, 2021
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Nob 3, 2021

Mga Katangi-tanging Feature

  • Isa sa mga pinakapatok na amenidad na hinahanap ng mga bisita ang wifi

  • Sa bagong pag-test sa bilis ng wifi, mabeberipika at maipapakita mo ang bilis ng iyong wifi

  • I-test ang iyong wifi—kung lalabas na 50 Mbps pataas ito, itatampok ang “mabilis na wifi” sa iyong listing

Kailangan ng maraming bisita ng mabilis na internet para maging maganda ang biyahe nila, at mahalaga ito para sa mga bisitang nagtatrabaho nang malayuan. Sa katunayan, ayon sa pananaliksik ng Airbnb, kasama ang wifi sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin ng mga bisita, at puwedeng lumaki ang kita ng ilang host kapag nagdagdag sila ng lugar para sa paggamit ng laptop sa mga amenidad ng listing.*

Mahalaga ang bilis kung pag-uusapan ang wifi—mula sa panonood ng mga pelikula hanggang sa pagsali sa conference call nang walang problema. Ngayon, mabeberipika na ng mga host ang bilis ng wifi ng listing nila nang hindi umaalis sa Airbnb app sa pamamagitan ng paggamit sa bagong pag-test sa bilis ng wifi. Gamit ang tool na ito, madali mong mate-test ang bilis ng wifi sa iyong property at maisasaad mo ito nang direkta sa page ng listing mo. Makakatulong ito sa iyo na makahikayat ng mas maraming bisita na gustong mamalagi nang may koneksyon sa internet.

Pag-test sa iyong wifi gamit ang Airbnb app mo

Kasalukuyang mate-test ang bilis ng wifi sa Airbnb app para sa iOS at Android. Para makapagsimula, kailangang naroon ka sa patuluyan mo at nakakonekta ka sa wifi network ng iyong property.

Kapag naroon ka na, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-tap ang Profile saka ang Lumipat sa pagho-host
  2. I-tap ang Mga Listing saka ang gusto mong listing
  3. Sa Tungkol sa listing, pumunta sa Mga Amenidad
  4. Mag-scroll papunta sa Wifi at i-tap ang Magdagdag ng mga detalye
  5. I-tap ang I-test ang bilis ng wifi (kakailanganin mong pahintulutan ang pag-access sa lokasyon kung hindi pa ito naaprubahan)
  6. I-tap ang Simulan ang pag-test
  7. Pagkalabas ng mga resulta, i-tap ang I-save para lumabas ang bilis ng iyong wifi sa page ng listing mo
  8. Kung 50 Mbps pataas ang bilis ng iyong wifi, itatampok ang iyong listing bilang may mabilis na wifi

    Matuto pa tungkol sa pag-aalok ng wifi sa mga bisita

    Pag-unawa sa bilis ng wifi mo

    Kinakalkula ang bilis ng internet sa megabits kada segundo, at maisasaad ng numerong ito kung gaano kabilis ang iyong koneksyon. Narito ang iba't ibang resulta na puwede mong makuha sa pag-test sa bilis ng wifi, at ang ibig sabihin ng mga ito:

    • Walang nabasa: Walang available na wifi. Puwedeng wala kang wifi o hindi ka makakonekta. Subukang i-reboot ang iyong router o lumipat sa ibang lugar sa iyong property.
    • 1–6 Mbps: Basic ang bilis ng wifi. Magagawa ng mga bisita na tumingin ng mga mensahe at mag-browse sa web.
    • 7–24 Mbps: Katamtaman ang bilis ng wifi. Makakapag-stream ang mga bisita ng mga HD na video.
    • 25–49 Mbps: Medyo mabilis ang wifi. Makakapag-stream ang mga bisita ng mga 4K na video at makakasali sila sa mga video call.
    • 50+ Mbps: Wow! Mabilis ang wifi. Makakapag-stream ang mga bisita ng mga 4K na video at makakasali sila sa mga video call sa maraming device. Itatampok namin ang mabilis na wifi sa iyong listing.

    Matuto pa tungkol sa pagberipika ng bilis ng internet mo

    Pagpapaalam sa mga bisita tungkol sa bilis ng wifi mo

    Kapag tapos na ang pag-test at na-save na ang mga resulta mo, lalabas ang bilis ng iyong wifi (sa megabits kada segundo) sa iyong Mga Amenidad sa tabi ng Wifi, kaya makukumpirma ng mga bisita ang bilis ng iyong internet bago sila mag-book.

    Kung 50 Mbps pataas ang bilis ng iyong wifi, magkakaroon ka ng bagong amenidad: lalabas ang “Mabilis na wifi” sa page ng listing mo.

    Isang napakahalagang amenidad ang wifi, kaya nasasabik kaming mag-alok sa iyo ng tool na makakatulong sa iyo na ipakita ang bilis ng iyong wifi sa mga bisita, at gawing mas nakakaengganyo ang iyong listing sa Airbnb.

    *Ayon sa internal na datos ng Airbnb na nagkalkula sa mga amenidad na pinakamadalas hanapin mula Setyembre 1, 2020 hanggang Setyembre 1, 2021.

    Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na-publish ito.

    Mga Katangi-tanging Feature

    • Isa sa mga pinakapatok na amenidad na hinahanap ng mga bisita ang wifi

    • Sa bagong pag-test sa bilis ng wifi, mabeberipika at maipapakita mo ang bilis ng iyong wifi

    • I-test ang iyong wifi—kung lalabas na 50 Mbps pataas ito, itatampok ang “mabilis na wifi” sa iyong listing

    Airbnb
    Ago 11, 2021
    Nakatulong ba ito?