Gumawa ng nakakaengganyong profile ng co‑host
Magagamit mo ang profile mo bilang co‑host para mamukod‑tangi. Gumagamit ang Network ng mga Co‑host ng iniangkop na algorithm para magtampok ng mga profile ng mga lokal na co‑host na tumutugma sa hinahanap ng sinumang kailangang magpatulong sa pagho‑host.
Pagkumpleto sa profile mo bilang co‑host
Kumpletuhin ang profile mo bilang co‑host para mapasama ka sa mga resulta ng paghahanap. Masusuri ng publiko ang impormasyon sa profile mo.
- Pangalan: Awtomatikong ginagamit ng profile ng co‑host ang pangalan at apelyido mula sa Airbnb account mo, maliban na lang kung pipiliin mong ilahad ang pangalan mo lang sa mga setting ng profile ng co‑host. Para maitampok sa Network ng mga Co‑host, hindi dapat pangalan ng negosyo kundi pangalan mo bilang indibidwal ang nakasaad na pangalan mo, legal na pangalan o piniling pangalan mo man ito.*
- Pagpapakilala sa profile: Sumulat ng maikling paglalarawan ng karanasan mo sa pagho‑host na nagpapaliwanag kung bakit ka katangi‑tangi. Halimbawa, “Nagsimula ako sa pagho‑host ng ekstrang kuwarto. Tinutulungan ko na ngayon ang ibang host na makatanggap ng magagandang review at mapalaki ang puwede nilang kitain.” Ilalahad ang pagpapakilala mo sa mga resulta ng paghahanap at sa itaas ng profile mo.
- Mga serbisyo: Pumili sa 10 kategorya, tulad ng pag‑set up ng listing at pagpapadala ng mensahe sa bisita, at magbigay ng maikling paglalarawan ng nagpapabukod‑tangi sa diskarte mo. Halimbawa, “Mahigit limang taon na akong nakikipagtulungan sa mga tagalinis ko, at nagsasagawa kami ng regular na pagsusuri sa kalidad bago at pagkatapos ng pamamalagi ng unang bisita.”
- Presyo: Ipaalam sa mga host ang sinisingil mo kada booking para sa patuloy na suporta (kinakailangan) at kada listing para sa pag‑set up (opsyonal).
- Lokal na sineserbisyuhang lugar: Ilagay ang lokasyon kung saan ka makakapagbigay ng serbisyo sa pagho‑host nang personal hanggang sa distansyang humigit‑kumulang 60 milya.
- Higit pa tungkol sa iyo: Puwede kang magbahagi ng mga detalye tungkol sa mga napagdaanan mo bilang host, halimbawa, kung paano ka napasok sa larangan ng hospitalidad at ang sandaling pinakaipinagmamalaki mo.
Kasama rin sa profile mo bilang co‑host ang impormasyong ito.
- Mahalagang stats: Ilalahad sa mga host kung gaano karaming listing ang hino‑host o kino‑cohost mo, kung ilang taon ka nang nagho‑host, at ang kabuuang rating ng bisita mula sa lahat ng listing na na‑host o na‑cohost mo.
- Mga highlight: Ilalahad sa mga host ang pagkilalang natanggap mo o ng mga listing na hino‑host o kino‑cohost mo sa Airbnb tulad ng “8 taon nang Superhost” o “Perpektong rating mula sa mga kamakailang bisita.”
- Mga review ng bisita: Ilalahad sa mga host ang mga review sa mga listing na na‑host o na‑cohost mo simula sa pinakabago. Puwede rin silang mag‑filter ayon sa pinakamataas o pinakamababang rating at maghanap gamit ang mga keyword.
- Mga listing mo: Ilalahad sa mga host ang lahat ng listing na pinapangasiwaan mo at kung gaano katagal mo nang hino‑host o kino‑cohost ang bawat isa.
Pagkuha ng magandang litrato sa profile
Awtomatikong gagamitin sa profile ng co‑host ang litrato sa profile ng Airbnb account mo. Dapat na mataas ang resolution ng litrato, wala pang 100 MB ang laki ng file, at hindi ito malabo. Malinaw dapat ang mukha mo sa litrato.*
Sundin ang mga tagubiling ito:
- Gumamit ng simpleng background at natural na ilaw.
- Kunin nang patayo ang litrato at mag‑iwan ng espasyo para makapag‑crop.
- Huwag gumamit ng selfie, flash, backlight, logo, at ilustrasyon.
- Huwag magsama ng alagang hayop at ibang tao.
*Kung nagho‑host ka bilang negosyo sa Australia, European Economic Area, o United Kingdom, hindi naaangkop ang rekisitong ito.
Matuto tungkol sa algorithm sa paghahanap sa Help Center.
Available ang Network ng mga Co‑host sa France, Spain, Italy, Germany, United Kingdom, Australia, Mexico (hatid ng Airbnb Global Services Limited), Canada, United States (hatid ng Airbnb Living LLC), at Brazil (hatid ng Airbnb Plataforma Digital Ltda).
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.