Hindi available sa pinili mong wika ang nilalamang ito, kaya inihanda namin ito sa pinakamalapit na available na wika sa ngayon.

Paano magtakda ng presyo kada gabi

Alamin ang lokal na demand at pag‑isipang mag‑alok ng promo para makahikayat ng mga una mong bisita.
Ni Airbnb noong Hul 14, 2022
2 minutong pagbabasa
Na-update noong Ene 9, 2025
Magtakda ng presyo kada gabi
Magtakda ng naaangkop na presyo
Magtakda ng presyo kada gabi

Maaaring matagalan at kailanganin ng pag-aayos bago makahanap ng presyo kada gabi na angkop para sa iyo at nakakaengganyo para sa mga bisita. Ikaw lagi ang bahala sa nakatakdang presyo at puwede mong baguhin iyon anumang oras.

Pagtatakda ng iyong presyo

Itinatakda mo ang iyong paunang presyo kapag inili-list mo ang patuluyan mo sa Airbnb. Nakabatay ang iminumungkahing presyong isinasaad sa Airbnb Setup sa mga salik na gaya ng lokasyon, mga amenidad, at demand ng bisita para sa mga katulad na listing.

Gawin ang lahat ng iyong makakaya para balansehin ang halagang itinakda mo at kung ano ang katanggap-tanggap na presyo sa mga bisita. Kasama sa mga pagsasaalang-alang ang:

  • Mga gastos sa pagho‑host, gaya ng mortgage, pagmementena, at mga buwis.
  • Ang pagiging sulit na ibinibigay mo, tulad ng mga patok na amenidad o malapit sa mga lokal na pasyalan.
  • Kabuuang presyo na babayaran ng mga bisita, kasama ang anumang bayaring pinaplano mong singilin.

Kapag napapanahon ang paglalarawan ng listing mo, mga litrato at amenidad, maipapaliwanag ang iniaalok mong pagiging sulit at maitatakda ang mga dapat asahan ng mga bisita.

Sa tuwing ia‑update mo ang presyo, puwede mong i-tap ang Presyong babayaran ng bisita bago buwisan para malaman ang detalye ng iyong batayang presyo at bayarin sa serbisyo ng bisita. I-tap ang Kikita ka para malaman ang batayang presyo, pero hindi kasama ang bayarin sa serbisyo para sa host.

Paghahambing ng mga katulad na listing

Makakatulong ang paghahambing ng mga presyo ng mga katulad na tuluyan sa lugar mo para makapagtakda ka ng mga presyong nakakasabay sa kompetisyon at makakuha ka ng mas maraming booking. Kung pareho ang presyo ng bawat gabi, pag‑isipang magtakda ng ibang presyo para sa weeekend at sa weekday. Puwedeng dumami ang mga booking kapag nagtakda ka ng iba't ibang presyo depende sa gabi.

Para maghambing ng mga katulad na listing:

  • Pumunta sa tab na Presyo sa kalendaryo ng listing mo.
  • Pumili ng hanay ng petsa na hanggang 31 araw.
  • I‑tap ang I‑preview ang mga katulad na listing.

Lalabas ang mga average na presyo ng mga katulad na listing sa malapit sa mapa ng lugar ninyo. Sa pamamagitan ng mga button sa mapa, masisilip mo ang mga na‑book o hindi na‑book na listing. Kabilang sa mga salik na ginagamit para matukoy kung ano‑anong listing ang katulad ng iyo ang lokasyon, sukat, mga feature, amenidad, rating, review, at iba pang listing na bina‑browse ng mga bisita habang isinasaalang‑alang ang iyo.

“Kung may mahanap akong mga katulad na listing na mas mababa ang presyo at may availability pa ako, susuriin ko ito at aalamin ko kung bakit,” sabi ni Katie na miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa Palm Springs, California. “Sinusuri ko ang aking dekorasyon, mga amenidad, patakaran sa pagkansela, at ang aking bayarin sa paglilinis. Maraming bagay ang puwedeng maging dahilan kung bakit maaaring makuha ng iba ang booking kaysa sa akin.”

Ikaw lagi ang bahala sa presyo at iba pang setting mo. Posibleng maiba ang resulta para sa iyo.

Binayaran ang mga host para sa pakikilahok nila sa mga panayam.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Magtakda ng presyo kada gabi
Magtakda ng naaangkop na presyo
Magtakda ng presyo kada gabi
Airbnb
Hul 14, 2022
Nakatulong ba ito?