Paano gawing bukod-tangi ang iyong listing
Makakatulong sa iyo ang aming gabay sa mabilisang pagsisimula na makakuha ng mga booking at patakbuhin ang iyong negosyo sa pagho-host.
Ni Airbnb noong Ene 29, 2021
Na-update noong Set 27, 20237 minutong video
Panoorin ang video, at tandaan ang pitong pangunahing bagay para magkaroon ng matagumpay na listing:
- Mga litrato: Gumamit ng mga malawak at malapitang kuha para mabigyan ng ideya ang mga potensyal na bisita tungkol sa iyong lugar.
- Pamagat, paglalarawan, at mga amenidad: Itampok kung bakit natatangi ang iyong lugar at ayusin ang mga ito kapag nakakuha ka ng feedback at inspirasyon mula sa mga bisita.
- Diskarte sa pagpepresyo: Alamin kung paano pinepresyuhan ang mga katulad na listing sa iyong lugar at subukan ang aming tool na Smart Pricing.
- Mga setting ng kalendaryo at booking: Makokontrol mo kung paano at kailan mabu-book ng mga bisita ang iyong listing.
- Pamumukod-tangi sa mga resulta ng paghahanap: Narito ang ilang tip para mapabuti ang iyong puwesto, mula sa pag-on sa Madaliang Pag-book hanggang sa pagkakaroon ng magagandang review.
- Ang proseso ng booking: Mabilis na tumugon sa mga bisita at tumanggap ng maraming kahilingan sa pagpapareserba hangga't maaari.
- Mabayaran: I-set up ang iyong paraan ng payout para awtomatikong mabayaran.
Airbnb
Ene 29, 2021
Nakatulong ba ito?