Paano isagawa ang 5 hakbang na proseso ng paglilinis ng Airbnb
Mga Katangi-tanging Feature
Ang proseso ng paglilinis ay binubuo ng limang hakbang: maghanda, maglinis, mag-sanitize, suriin, at muling maghanda
Alam naming mahirap na magkaroon ng bagong kagawian sa paglilinis, kaya may makikita kang mga karagdagang tip, iniangkop na checklist, at higit pa sa seksyon ng paglilinis sa iyong Tab ng performance
Puwede mo ring gamiting sanggunian ang handbook sa paglilinis ng Airbnb na sinasang-ayunan ng mga eksperto para makatulong sa pagsasagawa ng 5 hakbang na mas masusing proseso ng paglilinis
Dahil higit na mahalaga ang paglilinis ngayon kaysa dati, kailangang pagtuunan ng Mga Host ng mga matutuluyan ang 5 hakbang na proseso ng mas masusing paglilinis ng Airbnb —at narito kami para tulungan kang isagawa ang proseso. Gagabayan ka ng artikulong ito sa 5 hakbang, at bibigyan ka rin nito ng patnubay, mga tip, at pinakamahuhusay na kagawian para tulungan kang magkaroon ng tuloy-tuloy na pamantayan sa paglilinis. Nakabatay ang pinakamahuhusay na kagawiang ito sa handbook ng mas masusing paglilinis, na binuo kasama ng mga eksperto sa kalusugan at hospitalidad nang may pagsasaalang-alang sa iyong kapakanan.
Para matulungan kang magsimula, ibinabahagi namin ang pinakamahuhusay na kasanayan tungkol sa proseso ng paglilinis na binubuo ng 5 hakbang: ihanda, linisin, i-sanitize, suriin, at muling ihanda.
Hakbang 1: Maghanda para sa mas ligtas na paglilinis
- Pahanginan ang mga kuwarto bago at sa panahon ng paglilinis. Inirerekomenda ng mga awtoridad na tagapagpatupad ng batas tulad ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) at Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC) ng U.S. na buksan ang mga pinto at bintana sa labas, at gumamit ng mga bentilador para madagdagan ang sirkulasyon ng hangin sa lugar bago magsimulang maglinis at mag-sanitize. Pahanginan ang lugar nang pinakamatagal na maaari bago at sa panahon ng paglilinis.
- Kumuha ng mga tamang kagamitan sa paglilinis. Inirerekomenda naming gumamit lang ng mga pandisimpekta at sanitizer solution na nakarehistro sa nauugnay na ahensya ng iyong pamahalaan (hal. ang European Chemicals Agency o ang U.S. Environmental Protection Agency).
- Suriin ang mga tagubilin sa kaligtasan para sa mga ginagamit mong kemikal. Palaging basahin ang mga label sa iyong mga produkto para maunawaan ang mga aktibong sangkap ng mga ito at kung paano gamitin nang tama ang mga ito
- Hugasan ang inyong mga kamay nang hindi bababa 20 segundo gamit ang sabon at tubig. Kung hindi iyon magagawa, gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alcohol, at sumangguni sa iyong lokal na ahensya ng pamahalaan para sa mga pinakabagong patnubay.
- Magsuot ng pamproteksyong kagamitan. Bago ka pumasok sa tuluyan, mainam na magsuot ng pamproteksyong kagamitan tulad ng mga guwantes na itinatapon pagkagamit at mga mask o telang pantakip sa mukha.
- Ilabas lahat ng basura. Nakakatulong ang pagsisimula sa hakbang na ito na maiwasang makontamina ng maruming basura ang lugar kapag nalinis na ito. Siguraduhing lagyan ng mga bagong plastik bag ang lahat ng basurahan, para mas maging madali ang pagtatapon ng mga tisyu at iba pang basura.
- Kolektahin ang lahat ng maruming linen sa buong tuluyan. Nalaman namin mula sa mga Host na isa ang paglalaba sa mga gawaing pinakamatagal gawin sa pagitan ng pagpapalit-palit ng mga bisita. Kunin ang maruruming linen pagkapasok mo sa tuluyan at iwasang pagpagin ang mga ito dahil maaari itong magpabilis ng pagkalat ng mga mikrobyo.
- Tanggalin sa saksakan bago linisin. Para sa iyong kaligtasan at para maingatan ang mga fixture, huwag kalimutang tanggalin sa saksakan ang mga appliance bago maglinis. Konektado pa rin sa kuryente ang mga nakasaksak na kasangkapan kahit "naka-off" ang mga ito hangga't hindi tinatanggal mula sa saksakan. Puwede mo ring patayin ang kuryente sa breaker.
Paalalang pangkaligtasan: Isaalang-alang na magsuot ng malinis na kagamitang pamproteksyon bago ka pumasok sa tuluyan. Makakatulong din na iyo ang pagsangguni sa lahat ng label ng kaligtasan na maunawaan kung paano dapat gamitin ang mga kemikal na panlinis.
Hakbang 2: Linisin ang alikabok at dumi
Tinutukoy ng salitang paglilinis ang pag-aalis ng mga mikrobyo at dumi mula sa mga surface—halimbawa, paggamit ng basahang may sabon para punasan ang counter sa kusina o kalan. Mahalagang tapusin ang hakbang na ito bago i-sanitize ang iyong tuluyan.
- Labhan ang mga linen sa pinakamataas na setting ng init na inirerekomenda ng nagmanupaktura. Tandaang hugasan ang iyong mga kamay bago mo hawakan ang anumang malinis na linen.
- Hugasan ang lahat ng pinggan at ilabas ang lahat ng laman ng dishwasher. Mahalagang hugasan ang mga pinggan na ginamit ng mga bisita para matiyak na nasusunod ang mga pamantayan sa kalinisan. Kung wala kang dishwasher, hugasan gamit ang kamay ang mga pinggan gamit ang mainit na tubig at antibacterial na sabong panghugas ng pinggan. Para maiwasan ang pagkapit ng mikrobyo, magsimula sa pamamagitan ng pag-iikot sa lugar at pagkolekta ng mga pinggan mula sa bawat kuwarto.
- Punasan ang alikabok sa lugar, at walisan o i-vacuum ang sahig. Kapag nagpupunas ng alikabok, magsimula sa itaas pababa para matiyak na walang nakikitang tanda ng alikabok. Walisan ang lahat ng matigas na sahig at i-vacuum ang mga carpet.
- Linisin ang matitigas na bagay gamit ang sabon at tubig. Punasan ang bawat ibabaw para alisin ang dumi, sebo, alikabok, at mikrobyo. Kabilang sa matitigas na bagay ang mga patungan sa kusina, mesa, lababo, kabinet, at sahig. Kapag nagma-mop, magsimula sa dulong sulok ng kuwarto papunta sa harap, at itapon ang tubig sa lababo na hindi pa nalilinis.
- Linisin ang malalambot na bagay batay sa mga tagubilin ng nagmanupaktura. Kabilang sa malalambot na ibabaw ang mga karpet, kobre-kama, at tapiserya. Kung narumihan ang mga ito, maingat na alisin ang anumang nakikitang dumi o dungis, saka linisin gamit ang naaangkop na panlinis. Kung posible, isalang sa washing machine ang mga item ayon sa mga tagubilin ng nagmanupaktura.
Paalalang pangkaligtasan: Para mapigilan ang pagkalat ng mga mikrobyo, huwag hawakan ang iyong mukha habang naglilinis.
Hakbang 3: Mag-sanitize gamit ang pandisimpekta
Sa pag-sanitize, gumagamit ka ng mga kemikal para mabawasan ang mga mikrobyo at bakterya. Sa hakbang na ito, hinihiling namin sa mga host na i-sanitize ang lahat ng bahagi na madalas hawakan. Halimbawa, puwedeng mag-spray ng kemikal na pandisimpekta ang mga host sa mga hawakan ng pinto, switch ng ilaw, at kabinet para i-sanitize ang mga ito.
- Kapag malinis na ang isang matigas na ibabaw, mag-spray ng pandisimpekta rito. Tumuon sa pag-sanitize ng lahat ng ibabaw na madalas hawakan sa tuluyan (tulad ng mga hawakan ng pinto at switch ng ilaw). Tiyaking i-sanitize ang lahat ng kagamitang elektroniko batay sa mga tagubilin sa paglilinis ng nagmanupaktura.
- Hayaang basa ang pandisimpekta sa loob ng tinukoy na tagal na panahon. Nakatukoy sa label ng produkto kung gaano katagal dapat hayaang basa ang mga kemikal para epektibong ma-sanitize ng mga ito ang isang surface. Nagbibigay-daan ito sa mga kemikal na patayin ang pinakamaraming mikrobyo hangga't maaari.
- Hayaang matuyo nang kusa ang mga ibabaw. Kung matutuyo ang ibabaw bago ang angkop na tagal ng pagbabad, walang garantiya na mapapatay ng produkto ang mga mikrobyo ayon sa nakasaad sa label.
Paalala para sa kaligtasan: Sumangguni sa lahat ng pangkaligtasang label para matiyak na ginagamit mo nang maayos ang mga kemikal na panlinis.
Hakbang 4: Suriin ang iyong mga checklist sa bawat kuwarto
Magkakaroon ka ng access sa mga iniangkop na checklist sa paglilinis batay sa mga detalye ng iyong listing. Tiyaking sumangguni sa pinakamahuhusay na kagawian sa checklist ng bawat kuwarto, at ibahagi ito sa iyong team sa pagho-host o mga propesyonal sa paglilinis.
- Suriing muli kung na-sanitize ang lahat ng surface na madalas hawakan. Tugunan ang anumang bagay na napalampas.
- Tandaan ang anumang isyu sa pagmementina o kung may mga nawawalang gamit. Habang pinapasadahan mo ang mga bagay-bagay para alamin kung kumpleto pa ang mga ito, tandaan ang anumang bagay na kailangang palitan, pupunuing muli, o ire-restock.
Hakbang 5: Muling ihanda ang silid
Para maiwasang makapitan ng mikrobyo, mahalagang tapusin ang paglilinis at pag-sanitize ng kuwarto bago ito muling ihanda para sa susunod na bisita.
- Itapon at linisin ang iyong mga kagamitan sa paglilinis. Itapon ang mga produktong itinatapon pagkagamit tulad ng pandisimpektang wipes. Tiyaking linisin din ang anumang iba pang ginamit. Labhan ang anumang pamunas sa pinakamainit na setting na naaangkop para sa materyal.
- Ligtas na alisin ang anumang kagamitan sa paglilinis pagkatapos mong maglinis. Itapon o linisin ang anumang pamproteksyong kagamitan alinsunod sa mga alituntunin sa paggamit ng mga ito.
- Maghugas ng kamay nang kahit man lang 20 segundo gamit ang sabon at tubig. Kung hindi iyon posible, gumamit ng hand sanitizer na may minimum na 60% alkohol, at sumangguni sa iyong lokal na ahensya ng gobyerno para sa mga pinakabagong alituntunin.
- Suriin nang mabuti ang bawat kuwarto para matiyak na handa na ang lahat para sa susunod na bisita. Isipin mo na isa kang bisitang darating sa lugar na ito sa unang pagkakataon.
- Maglaan ng mga kagamitan sa paglilinis para sa iyong mga bisita. Nasabi sa amin ng mga bisita na gusto nilang makapaglinis habang namamalagi sa iyong tuluyan. Bigyan ng kakayahan ang iyong mga bisita sa pamamagitan ng paglalaan ng mga kagamitan sa paglilinis na magagamit nila tulad ng hand sanitizer, mga paper towel na itinatapon pagkagamit, pandisimpektang wipes o spray, at ekstrang sabon sa kamay.
- Mag-restock ng iyong mga kagamitan sa paglilinis. Tiyaking suriin ang mga petsa ng pag-expire at muling maglagay ng mga kagamitang ginamit mo para maging handa ka para sa susunod na bisita.
Paalala para sa kaligtasan: Palaging itabi ang mga kemikal na produkto sa lugar na hindi maaabot ng mga bata.
Manindigan sa mas matataas na pamantayan para sa paglilinis
Ngayong alam mo na ang proseso ng paglilinis na binubuo ng 5 hakbang, panahon na para i-update ang kasalukuyan mong gawain at gamitin ang mga pamamaraang ito sa bawat kuwarto sa iyong tuluyan. Alam naming maaaring mahirap na magpatupad ng bagong gawain sa paglilinis, kaya bumuo kami ng komprehensibong handbook sa paglilinis na may kasamang patnubay na sinusuportahan ng mga eksperto, mga tip para sa kaligtasan, at mga checklist na makakatulong para maipatupad mo ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng 5 hakbang ng Airbnb. Kinakailangan namin na sundin ng mga host ng mga tuluyan ang proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng 5 hakbang ng Airbnb sa pagitan ng bawat pamamalagi.
Kapag nangako ang mga host na sundin ang proseso ng paglilinis na binubuo ng 5 hakbang, ipapakita sa page ng kanilang listing ang pangako nila para ipaalam sa mga bisita na sumang-ayon silang sumunod sa maaasahang pamantayan sa paglilinis.Tandaang maaaring i-update ang mga rekisito sa paglilinis sa paglipas ng panahon kasabay ng mga pagbabago sa patnubay ng mga eksperto. Layunin ng proseso ng mas masusing paglilinis na binubuo ng 5 hakbang ng Airbnb at ng detalyadong handbook sa paglilinis, na nakabatay sa nagbabagong agham, ang pagsasapriyoridad ng kalusugan at kapakanan ng mga host at bisita.
Mga Katangi-tanging Feature
Ang proseso ng paglilinis ay binubuo ng limang hakbang: maghanda, maglinis, mag-sanitize, suriin, at muling maghanda
Alam naming mahirap na magkaroon ng bagong kagawian sa paglilinis, kaya may makikita kang mga karagdagang tip, iniangkop na checklist, at higit pa sa seksyon ng paglilinis sa iyong Tab ng performance
Puwede mo ring gamiting sanggunian ang handbook sa paglilinis ng Airbnb na sinasang-ayunan ng mga eksperto para makatulong sa pagsasagawa ng 5 hakbang na mas masusing proseso ng paglilinis