Para makagawa ng nakakaengganyong page ng listing
Ang page ng listing mo ang una mong pagkakataon para makuha ang pansin ng mga potensyal na bisita. Gamitin ang pamagat, paglalarawan, mga litrato, at mga amenidad para maipaunawa sa mga bisita kung ano ang iniaalok ng listing mo.
Kontrolin kung kailan at paano puwedeng mag‑book ang mga bisita
Bilang host, puwede kang magpasya kung kailan at paano maipapareserba ng mga bisita ang patuluyan mo. Maingat na piliin ang iyong mga setting ng kalendaryo at pag‑book para matiyak na nagho‑host ka sa paraang gusto mo habang naiiwasan ang mga hindi kinakailangang pagkansela.
Narito ang ilan sa mga feature na ito:
Mga setting ng kalendaryo: Umaksyon para mapanatiling napapanahon ang kalendaryo mo, gaya ng pagba‑block ng mga petsa kung kailan hindi ka magho‑host at pagtatakda ng minimum at maximum na bilang ng gabi na puwedeng i‑book ng bisita.
Hilingin na i‑book: Sa pamamagitan ng feature na ito, masusuri mo ang kahilingan sa pagpapareserba bago mo iyon tanggapin. Siguraduhing tutugon ka sa bisita sa loob ng 24 na oras.
Madaliang Pag‑book: Kadalasang naghahanap ang mga bisita ng mga listing na may Madaliang Pag‑book para makapag‑book sila nang hindi kailangan ng paunang pag‑apruba. Kapag ginamit mo ito, maipaparating mong iho‑host mo ang sinumang nakakatugon sa itinakda mong mga pamantayan sa pagbu‑book, at mahalagang bahagi ito ng pagiging ingklusibong host.
Magdagdag ng mahahalagang detalye
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mahahalagang detalye, puwedeng mamukod‑tangi ang listing mo at maitatakda mo ang mga dapat asahan ng mga bisita.
Sumulat ng detalyadong paglalarawan. Subukang isaad ang dapat malaman ng mga bisita tungkol sa patuluyan mo sa pamagat at paglalarawan. Halimbawa, puwedeng ilagay ng host na may maliit na patuluyan sa tabi ng dagat ang “Komportableng bakasyunan sa tabing‑dagat” bilang pamagat ng listing niya. Gumamit ng mga ingklusibong salita para linawing malugod mong tinatanggap ang lahat ng tao, anuman ang pinagmulan nila.
Ilista ang mga amenidad. Kasama sa mga patok na amenidad ang wifi, sariling pag‑check in, puwestong pang‑laptop, libreng paradahan, at mainam para sa mga alagang hayop, kaya tiyaking ilista ang anumang iniaalok mo.
Ibahagi ang iyong mga alituntunin sa tuluyan. Itinatakda ng mga ito ang mga dapat asahan ng mga bisita, at nabibigyan sila ng mga ito ng ideya tungkol sa paraan ng pagho‑host mo. Gamitin ang iyong mga alituntunin sa tuluyan para magbahagi sa mga potensyal na bisita ng mahalagang impormasyon, gaya ng patakarang nagbabawal sa paninigarilyo.
Gumamit ng mga nakakaengganyong litrato para makahikayat ng mga bisita
Puwedeng maiparating ng mga litrato ng listing mo ang iyong personalidad at istilo. Kapag madalas mong ina‑update ang mga iyon, maipaparating mo kung ano mismo ang kasalukuyan mong iniaalok.
Itampok lahat ng puwedeng magamit ng mga bisita. Mag‑upload ng mga litrato ng bawat kuwarto na kinunan sa iba't ibang anggulo. May tool na pinapagana ng AI na makakatulong sa iyong ayusin ang mga iyon ayon sa kuwarto para makagawa ng virtual tour.
Magdagdag ng mga partikular na detalye sa bawat kuwarto. Kasama rito ang mga kaayusan sa pagtulog, impormasyon sa privacy, mga accessibility feature, at mga amenidad. Gumamit ng mga caption para tukuyin ang mga detalyeng dapat bigyang‑pansin.
Pumili ng pangunahing litrato. Ang pamagat at pangunahing litrato ng listing mo ang unang napapansin ng mga bisita sa mga resulta ng paghahanap. “Kapag naghahanap ako ng Airbnb, palagi akong dumidiretso sa mga litrato. Kaya isipin mo kung paano mamumukod‑tangi ang patuluyan mo,” sabi ni Candida na host sa Joshua Tree, California.
Kapag nagsimula ka nang mag‑host, subukang siguraduhing napapanahon ang listing mo. Dapat mabigyan ng paglalarawan at mga litrato ang mga bisita ng ideya tungkol sa iniaalok mo habang itinatampok kung ano ang natatangi sa patuluyan mo.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.