Mga sikreto mula sa isang bihasang Superhost

Ibinabahagi ng Superhost na si Nikki ang kanyang mga tip, mula sa pagse-set up hanggang sa mamukod-tangi.
Ni Airbnb noong Mar 3, 2020
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Mar 3, 2020

Mga Katangi-tanging Feature

  • Pakikipag-ugnayan ang pinakamahalagang aspeto ng mahusay na pagho-host

  • Mamukod-tangi sa pamamagitan ng magagandang litrato, detalyadong paglalarawan, at malilinaw na dapat asahan para sa mga bisita

  • Magsimula sa mababang presyo para makakuha ng mga reserbasyon at ayusin ang anumang aberya para makakuha ng magagandang review

  • Matuto pa sa aming kumpletong gabay para mapahusay pa lalo ang iyong pagho-host

Isa si Nikki sa mga unang host sa Airbnb na naging Superhost noong inilunsad ang programa noong 2014. Napanatili niya ang status na iyon nang mahigit 16 na sunod-sunod na quarter.

Paano ito ginagawa ni Nikki? Natuto siyang mag-host nang payak ang simula, sa maliit na cottage sa likod mismo ng bahay niya sa San Francisco. Dahil sa husay ng performance ng iisang listing na iyon, nahikayat siyang ipagamit ang buong bahay niyang may tatlong kuwarto kapag nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya.

Ibinahagi rito ni Nikki ang mga susi sa pagtatagumpay niya bilang Superhost.

Pagsisimula bilang host

“Anim na taon na ang nakalipas noong unang beses akong namalagi sa isang Airbnb sa Provence, France, at talagang nagustuhan ko iyon. Isa itong maliit na studio sa lumang bayan ng Aix. Natugunan talaga nito ang mga pangangailangan namin, pero hindi gaanong sinikap ng mga host na gawin itong kaaya-aya. Naisip ko na kung makakapaglaan ako ng puhunan, kaya kong bumuo ng pambihirang tuluyan gamit ang 200 square foot na guesthouse sa bakuran ko. Inakala kong bihira itong ibu-book, pero nagulat ako dahil na-book ito kaagad nang isang buong linggo.”

Paano ma-book kaagad

“Sa tuwing maglalagay ako ng bagong listing online, nagtatakda ako ng panimulang presyo ng listing na 50–70% lang ng presyo sa merkado hanggang sa makakuha ako ng kahit tatlong review man lang (o hanggang sa dumami ang natatanggap kong kahilingan sa pag-book para maitugma ko na sa mga presyo sa merkado ang itatakda kong presyo). Ginagawa ko ito para maisaayos ko ang mga kailangan habang nakakatanggap pa rin ng magagandang review, at dahil mahalagang makatanggap ng maraming review sa lalong madaling panahon para maging mataas ang ranking sa paghahanap ng listing.”

Paghahanda ng magiliw na tuluyan

“Nagsisimula ang lahat sa maayos na tuluyan. Malinis dapat ito. Gusto ko sa mga tuluyan ang bukas at maayos ang daloy ng hangin. Hindi makalat, pero may mga disenyong magandang tingnan. Komportable rin dapat, lalo na ang mga higaan. Namuhunan ako sa mga memory foam na kutson, at gustong gusto ng mga tao iyon. Mainam na pag-isipan ito mula sa pananaw ng bisita. Pag-isipan kung paano gagamitin ng mga tao ang tuluyan habang dinadaanan mo ang bawat bahagi, at pagkatapos, iayon dito ang konsepto ng iyong disenyo.”

Pamumukod-tangi sa Airbnb

“Malaking bagay ang pagkakaroon ng magagandang litrato. Dapat gumamit ng mga propesyonal na litrato. Pinag-iisipan ko ang uri ng tuluyan na iniaalok ko, kung mainam ito para sa pamilya o sa partikular na uri ng biyahero, at isinasaad ko ito sa pamagat. Sumulat ng magandang paglalarawan na detalyado at nakaka-engganyo para magustuhan ng mga tao ang listing. Ilarawan ang mga higaan at kobre-kama, at banggitin ang brand ng mga sabon o amenidad na ibinibigay mo.”

Pagtatakda ng mga dapat asahan ng mga bisita

“Tiyaking maglalagay ka ng mga paglalarawan ng mga kakaibang katangian ng property mo sa iyong listing. Ipaliwanag ang mga ito sa paraang matapat at malinaw, nang hindi nakakawalang-gana. Mainam na maging malinaw, sapat para matulungan ang mga bisita mo na makapili ng gusto nilang property.”

Mahusay na pakikipag-ugnayan

“Para sa akin, pakikipag-ugnayan ang pinakamahalagang aspeto ng mahusay na pagho-host. Nagsisimula sa unang pagtatanong ang direktang pakikipag-ugnayan mo sa isang bisita. Palagi akong nagbibigay ng karagdagang tanong kapag nakakatanggap ako ng kahilingan sa pag-book, hindi para manghimasok kundi para matiyak na mainam para sa kanila ang listing. Sa puntong iyon pa lang, binuksan mo na ang pagkakataong makatanggap ng 5-star na review.”

Para sa akin, pakikipag-ugnayan ang pinakamahalagang aspeto ng mahusay na pagho-host.
Nikki,
San Francisco

Mga hindi inaasahang kagandahan ng pagiging host

“Pinakamalaking sorpresa pa kung gaano kagiliw ang mga naging bisita ko. Naging matapat, mabait, at maunawain sila. Nagulat din ako sa kinita ko mula rito. Noong nagsimula ako, hindi ko inasahang magiging magaling ako rito, at lalong hindi pa na magiging trabaho ko ito. Tumuon ako sa mga bagay na nagustuhan ko sa pagho-host at sinamantala ko ang mga dumating na oportunidad. Napakabuti ng naging resulta nito.”

Mga Katangi-tanging Feature

  • Pakikipag-ugnayan ang pinakamahalagang aspeto ng mahusay na pagho-host

  • Mamukod-tangi sa pamamagitan ng magagandang litrato, detalyadong paglalarawan, at malilinaw na dapat asahan para sa mga bisita

  • Magsimula sa mababang presyo para makakuha ng mga reserbasyon at ayusin ang anumang aberya para makakuha ng magagandang review

  • Matuto pa sa aming kumpletong gabay para mapahusay pa lalo ang iyong pagho-host
Airbnb
Mar 3, 2020
Nakatulong ba ito?