Paggawa ng maayos na karanasan sa pag‑check in
Nagsisimula ang karanasan sa pag‑check in sa malinaw na pakikipag‑ugnayan at nagtatapos ito sa pagtulong sa mga bisita na maramdamang malugod silang tinatanggap at tumira sa patuluyan mo. Ganito gumawa ng maayos na pagdating.
Itakda ang proseso mo ng pag‑check in
Pumunta sa gabay sa pagdating ng listing mo para magtakda ng prosesong simple at maaasahan sa pag‑check in.
Pumili ng oras ng pag‑check in. Isaalang‑alang kung gaano karaming oras ang kailangan mo para sa pagpapalit ng bisita. Maraming host ang mas gusto ang pag‑check in sa hapon kaya may sapat na oras para maglinis bago dumating ang mga susunod na bisita.
Sumulat ng mga malinaw na direksyon sa patuluyan mo. Maglagay ng mga kapaki‑pakinabang na detalye kung mahirap iyong hanapin o hindi maaasahan ang serbisyo sa telepono sa lugar.
Pumili ng paraan ng pag‑check in. Mas gusto ng maraming bisita ang kaginhawaan ng sariling pag‑check in kung saan makakapasok sila nang wala ka roon.
Magbigay ng mga tagubilin sa pag‑check in. Pagkatapos mong pumili ng paraan ng pag‑check in at maglagay ng mga detalye gaya ng lokasyon ng lockbox mo, puwede kang magdagdag ng mga sunod‑sunod na tagubiling may mga litrato sa parehong seksyon.
Gumawa ng manwal ng tuluyan at guidebook. Magbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa patuluyan mo gaya ng kung paano kumonekta sa wifi at mga lokal na tip mo kabilang ang mga lugar na puwedeng kainan.
Mababasa ng mga bisita ang mga tagubilin mo sa pag‑check in sa mga detalye ng biyahe nila 48 oras bago ang oras ng pag‑check in o 24 na oras bago iyon kung mayroon kang flexible na patakaran sa pagkansela.
Pag‑isipang mag‑iskedyul ng mensahe nang isa o dalawang araw bago ang pag‑check in. Pagkakataon iyon para ipadala ang mga tagubilin mo sa pag‑check in sa lahat ng bisita sa reserbasyon at hilingin sa kanila na makipag‑ugnayan kung mayroon silang anumang tanong.
Ihanda ang patuluyan mo
Mahalagang bahagi ng karanasan sa pag‑check in kung ano ang mararamdaman ng mga bisita kapag binuksan nila ang pinto.
Panatilihing walang dumi sa patuluyan mo. Magkaroon ng regular na kagawiang may kasamang paglilinis sa lahat ng ibabaw, sahig, at tela at pagtitiyak na natanggal na ang anumang mantsa, dumi, at buhok.
Magbigay ng kapaki‑pakinabang na impormasyon. Maglagay ng naka‑print na bersyon ng manwal ng tuluyan at guidebook mo sa puwestong madaling mapansin.
Mag‑iwan ng pambungad na regalo. Puwedeng kasing simple iyon ng sulat‑kamay na mensahe o lokal na pagkain.
Magkaroon ng backup na paraan ng pagpasok. Pag‑isipang magtago ng ekstrang susi sa lockbox na malapit sa pasukan sakaling hindi gumana ang pangunahing paraan ng pag‑check in.
Anumang paraan ang piliin mo sa pagtanggap ng mga bisita, dapat madaling makipag‑ugnayan sa iyo o sa isang co‑host sa oras ng pag‑check in para agarang malutas ang anumang posibleng isyu. Puwede ring magkaroon ng positibong tono para sa natitirang pamamalagi kung mabilis kang sumagot kapag dumating ang mga bisita.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.