Spotlight sa Superhost: pagbibigay-buhay sa tuluyan matapos ng malungkot na pangyayari

Ang kuwento ng isang biyuda kung paano siya natulungang maghilom ng pagtanggap ng mga bisita mula sa ibang bansa.
Ni Airbnb noong Peb 8, 2019
4 na minutong pagbabasa
Na-update noong Ene 7, 2022

Mag-isa na lang bigla ang Superhost na si Marianne sa Craftsman na inayos nila ng kanyang asawa. Para matulungan ang kanyang sarili, nagsimula siya ng sarili niyang negosyo kung saan nagpapatuloy siya sa kanyang bahay sa California ng mga bisita mula sa iba't ibang panig ng mundo. Sa sarili niyang mga salita, ibinabahagi niya kung paano muling nagkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay dahil sa pagho-host at kung paano maging babaeng negosyante:

Nakakatulong ang pagbalik sa bahay ng buhay, ng mga tao.

Noong pumanaw si Mike, parang napakalaki ng nawala sa akin. Nawalan ako ng katuturan at hungkag ang aking pakiramdam. Sumailalim siya sa operasyon noong Mayo 2017 na pangkaraniwan lang dapat, pero nagkaroon ng mga komplikasyon at namatay siya. Apat na araw bago ito, ipinagdiwang namin ang 26 na taong pagsasama namin.

Umuwi ang anak ko para samahan ako. Makalipas ang halos isang taon, umalis ulit siya at biglang mag-isa na lang ako sa bahay.

Wala akong maalalang partikular na insidente o dahilan kung bakit ako nagsimulang mag-host. Palagi ko lang itong napapansin. Pagkatapos, bumiyahe ako noong Setyembre 2017 para makipagkita sa mga kaibigan sa Oregon, at namalagi ako sa isang Airbnb doon. Magiliw ang host, at ipinaliwanag ko ang nangyari. Nagsimula kong maisip na puwede akong maging host.

Sa pagpanaw ng aking asawa, natigil ang pensyon niya at malaking bawas iyon sa kita. Nagtatrabaho ako para sa aking sarili bilang guro, manunulat, at landscaper. Sadyang hindi lang ako makapag-focus.

Sa imahinasyon ko, madaling kumita sa Airbnb. Pero pinagsisikapan ito. At dahil babae ako at nag-iisa, talagang naging alalahanin ko ang kaligtasan. Bumili ako ng mga lock para sa mga kuwarto ng bisita at kuwarto ko, pero sa tingin ko, isang beses ko lang na-lock ang pinto ko, noong may nag-check in sa dis-oras ng gabi. May kaibigan ako na host din na nagmungkahi sa akin na isulat ko ang paglalarawan ng aking patuluyan para makahikayat ng mga taong gusto kong bumisita, at mukha namang umepekto iyon. Puwedeng simpleng pag-iisip ito, pero naniniwala ako na karaniwang mabuti ang mga tao.

Naging paraan ang pagho-host para makaiwas sa lumbay. Naging dahilan ito kung bakit kinailangan kong panatilihing malinis ang bahay, kung bakit nagawa kong kumilos na parang wala akong inaalala. Kailangan mong tulungan ang sarili mo kahit papaano. Magagandang bagay iyon.

Naaalala ko si Mike sa bawat taong pumapasok. Nakakalungkot at nakakapagbigay ng buhay ito.

Hilig niyang ayusin ang bahay na ito. Karpintero siya. Noong binili namin ang bahay noong 1995, sira-sira at kailangang ayusin ito, at ginawa niyang napakagandang lugar na matitirhan ito. Sa ilang paraan, nararamdaman ko ang diwa at sigla niya kapag pumapasok ang mga tao sa bahay, napapansin nila ang woodwork, at nagsasabi sila ng, “Oh, wow.”

Talagang natutuwa ako. Nararamdaman ko iyon para sa aming dalawa. Nakakalugod na naipapamalas ko iyon.

Noong una, sinasabi ko sa mga bisita na kakamatay lang ng asawa ko. Paunti-unti, hindi na iyon ang una kong sinasabi.

Lubos akong sinuwerte sa mga naging bisita ko. Dahil nakatira ako sa Santa Monica, gusto nilang pumunta sa beach, sa pantalan, at sa Venice, kaya hindi ko talaga sila nakita. Kailangan ko pa rin ng sariling lugar at katahimikan, kaya perpekto ito.

Paminsan-minsan, mag-uusap kami habang nagkakape o habang umiinom ng wine nang nakaupo sa duyan sa beranda at nilalanghap ang simoy ng dagat. Talagang nakakatuwang kausap ang ilang bisita. Pinapaalala nito na tuloy pa rin ang buhay, kahit gasgas na ang linyang iyon.

Naging paraan ang pagho-host para makaiwas sa lumbay.
Marianne,
Santa Monica, California

May naging bisita ako na dalaga. Hindi ko nabanggit na namatay si Mike, pero posibleng napansin niya ang mga litrato ni Mike sa bahay. Sinabi niya sa akin na namatay ang nobyo niya dahil sa aksidente ilang buwan na ang nakalipas. Kaya pinalad ako na tinanggap ko siya hindi lang sa bahay ko kundi sa lugar kung saan may makakausap siya na talagang makakaintindi sa kanya tungkol sa pagkawalang naranasan niya. At para sa akin, makakausap ko rin siya tungkol kay Mike. Mayroon kaming kamangha-manghang pagkakatulad. Ilang beses kaming nag-text sa isa't isa. Babalik man siya o hindi, nagkaroon kami ng epekto sa buhay ng isa't isa kahit sandali lang.

Bilang mga host, nagpapagamit tayo ng tuluyan, pero kung minsan, isa itong lugar na higit pa roon ang ibinabahagi natin.

Sa pagpapatuloy ko ng mga bisita sa aking bahay, may naibigay ako kahit na pakiramdam ko noon ay wala na akong maibibigay.

Ngayon, may sarili na akong negosyo. At maraming magandang aspekto ang pagiging sarili mong boss at pagkakaroon ng ganap na kontrol sa takbo ng iyong buhay. Nararamdaman ng babae na makapangyarihan siya kapag may sarili siyang negosyo.

Maaaring medyo kakaiba ito para sa mga tao, pero may kamangha-mangha sa pagpapatuloy ng taong hindi mo kilala. Bilang mga host, nagsisilbi tayong gabay sa mga pagod na biyahero. At kapag nasasaktan at malungkot tayo, puwedeng makatulong sa paghilom kahit papaano ang interaksyon at ugnayang iyon.

Mga litrato mula kay Marianne

Airbnb
Peb 8, 2019
Nakatulong ba ito?