Maagap na makipag‑ugnayan

Magpadala ng mga malinaw at napapanahong mensahe sa mga bisita.
Ni Airbnb noong Ene 10, 2024
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Hul 26, 2024

Kapag epektibo ang pakikipag-ugnayan sa mga bisita, magagawang mas maganda pa ang maganda nang pamamalagi. Gamitin ang mga feature sa pagpapadala ng mensahe ng Airbnb para magbahagi ng mahahalagang detalye at paalala, mabilis na tumugon sa mga tanong, at magparating ng magiliw pagtanggap.

Pagsisimula sa mga pangunahing bagay

Nakadepende sa paraan ng pagbibigay mo ng impormasyon ang pagkakaroon ng magandang karanasan sa pamamalagi. Gawin ang lahat ng makakaya mo para:

  • Maging maagap. I‑on ang mga notipikasyon para mabilis na matanggap at matugunan ang mga mensahe ng mga bisita. Ayon kay Annette na host sa San Francisco, kahit maliit lang ang isyu, sinasabi niya sa mga bisita na “makipag-ugnayan kaagad sa amin at aasikasuhin namin iyon.”

  • Maging matapat. Tumpak na ibahagi ang dapat asahan ng mga bisita. “Kailangang magtugma ang sinasabi mo sa mga bisita mo na madadatnan nila at ang madadatnan talaga nila pagdating nila,” sabi ni Daniel na host sa San Francisco.

  • Maging matulungin. Tanungin ang mga bisita kung ano ang puwede mong gawin para maging komportable sila at maramdaman nilang magiliw silang tinatanggap. “May mga bagay na sadyang hindi natin mapaghahandaan bilang mga host,” sabi ni Sadie na Superhost sa Santa Fe, New Mexico.

  • Maging mapagmalasakit. Puwedeng tumatak ang paraan mo ng pagtugon sa problema. “Posibleng mag‑book pa rin ang bisita sa kabila ng hindi magandang sitwasyon kung maayos mong tutugunan ang problema sa pamamagitan ng pagpaparamdam na may malasakit ka at nagsisikpa ka para malutas iyon nang mabilis,” sabi ni Felicity na miyembro ng Host Advisory Board at Superhost sa New South Wales, Australia.

Pagpapadala ng mensahe sa mahahalagang sandali

Paghandaan ang dapat malaman ng mga bisita para masigurong walang aberya at hindi na nila kailanganing magtanong. Kabilang sa mahahalagang bahagi ng pagpaplano at pagbiyahe ang:

  • Pagtatanong o kahilingan sa pagpapareserba. Mayroon kang 24 na oras para tumugon kapag nakipag‑ugnayan ang mga bisita, pero mainam na tumugon sa lalong madaling panahon. Ginagawa ito ng karamihan ng mga host sa loob ng isang oras.

  • Pagkumpirma sa booking. Magpadala ng mensaheng “salamat sa pag‑book” para makipag‑ugnayan sa mga bisita at ipaalam sa kanilang handa kang sagutin ang anumang tanong nila.

  • Pagdating. Ipaalala sa mga bisita isa o dalawang araw bago ang takdang pagdating nila kung saan nila mahahanap sa app ang mga tagubilin sa pag‑check in, at magbahagi ng anumang mahalagang note tungkol sa pagpasok sa tuluyan.

  • Panahon ng pamamalagi. Tanungin ang mga bisita pagkarating nila kung kumpleto na ang lahat ng kailangan nila para maging komportable ang kanilang pamamalagi. Puwede mong irekomenda ang mga paborito mong tindahan, restawran, at puwedeng gawin sa malapit.

  • Pag‑alis. Magpadala ng maikling mensahe pagkatapos mag‑check out ng mga bisita para pasalamatan sila at hilingin sa kanilang magbigay ng review. Bigyan din sila ng review sa lalong madaling panahon.

Awtomatikong magpadala ng mga mensahe

Isa lang ang

pagkakaroon ng magandang rate sa pagtugon sa ilang salik na makakatulong para lumabas ang listing sa mas mataas na puwesto sa mga resulta ng paghahanap ng mga bisita sa Airbnb.

Gamitin ang mga feature na ito sa tab na Mga Mensahe para paghandaan at tugunan ang mga karaniwang tanong nang walang pagkaantala:

Mga mabilisang tugon 

  • Gumawa ng mga template ng mensahe para madaling makapagbahagi ng impormasyon, halimbawa, kung saan magpaparada o kung puwedeng iwan ng mga bisita ang mga bagahe bago mag-check in.

  • Puwede mong iangkop ang mga template na ito gamit ang mga shortcode na awtomatikong naglalagay ng mga detalye ng bisita, reserbasyon, at listing.

  • Kapag nakapag-set up ka na ng mga mabilisang tugon, gumagamit ng AI ang feature sa tab na Mga Mensahe para intindihin ang tanong ng bisita at awtomatikong magmungkahi ng pinakaangkop na tugon mo.

Mga nakaiskedyul na mensahe

  • Gumawa ng mga karaniwang mensahe at iiskedyul ang pagpapadala nito sa mga bisita sa mahahalagang sandali, tulad ng mga nabanggit sa itaas.

  • Puwede mo ring iangkop ang mga mensaheng ito gamit ang mga shortcode.

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ene 10, 2024
Nakatulong ba ito?