Mga upgrade para sa mga propesyonal na host

Pangasiwaan ang mga gawain sa araw‑araw at subaybayan ang kalidad ng listing mula sa nakakonekta mong software.
Ni Airbnb noong Mar 26, 2024
4 na minutong pagbabasa
Na-update noong Mar 26, 2024

Note ng editor: Na‑publish ang artikulong ito bilang bahagi ng Airbnb 2023 Release para sa Mayo. Maaaring nagbago ang impormasyon mula noong na‑publish ito. Matuto pa tungkol sa aming pinakabagong release ng produkto.

Hatid ng Airbnb 2023 Release para sa Mayo ang 25 upgrade para sa mga host, at dagdag na walong upgrade para sa mga host na gumagamit ng software na konektado sa API. Idinisenyo ang mga ito para tulungan kang masubaybayan nang mas madali ang kalidad ng mga listing mo at suportahan ang araw-araw mong pagho‑host.

Maa‑access mo nang direkta ang lahat ng walong upgrade mula sa iyong software kung idinagdag ng software provider ang mga ito. Kung hindi, makipag‑ugnayan sa software provider mo para alamin kung kailan magagamit ang mga ito.

Mga tagubilin sa pag-check out

Magdagdag ng mga detalyadong tagubilin sa pag‑check out mula mismo sa iyong software, gaya kung paano ka naglalagay ng mga karaniwang alituntunin sa tuluyan. Para mabilisang gumawa ng listahan sa pag‑check out, pumili sa mga karaniwang gawaing ito: 

  • Tipunin ang mga ginamit na tuwalya
  • Itapon ang basura
  • I‑off ang mga dapat i‑off
  • I‑lock ang mga dapat i‑lock
  • Isauli ang mga susi

Puwede kang maglagay ng mga detalye para sa bawat gawain. Halimbawa, puwede mong isaad na dapat ilagay ng mga bisita ang basura sa basurahan at ang mga puwedeng i‑recycle sa hiwalay na lagayan. Puwede ka ring maglagay ng mga karagdagang kahilingan, gaya ng pagtatakip sa ihawan pagkatapos gamitin. 

Magpapadala kami sa mga bisita ng awtomatikong paalalang nagsasaad sa oras ng pag‑check out at mga tagubilin sa pag‑check out isang araw bago ang pag‑check out. Tulad ng mga alituntunin sa patuluyan mo, mababasa ng mga bisita ang mga tagubilin sa pag‑check out bago nila i‑book ang patuluyan mo. Kapag nag‑check out ang mga bisita, maipapaalam nila sa iyo na nakaalis na sila sa isang tap o click lang.

Mga tag ng review

Sa Airbnb 2022 Release para sa Nobyembre, idinagdag namin ang kakayahang mag‑iwan ang mga bisita at host ng mas detalyadong feedback para sa isa't isa. Makakapaglagay ka ng star rating at matutukoy mo kung ano ang maganda o puwede pang mapaganda sa ilang kategorya. Halimbawa, maaaring piliin ng mga bisita ang mga tag ng review na “palaging tumutugon” o “kapaki‑pakinabang na tagubilin” kung bibigyan nila ng rating na limang star ang iyong pakikipag‑ugnayan 

Maa‑access mo na ang mga feature na ito sa nakakonekta mong software. Makakapaglagay ka ng mas detalyadong review sa mga bisita at makakakuha ka ng feedback tungkol sa kung ano ang nagustuhan ng mga bisita at kung ano ang maaaring mapaganda.

Mga isyu sa listing

Kung hindi sumusunod ang isa sa mga listing mo sa mga pangunahing alituntunin para sa mga host, makakahanap ka ng log ng mga kamakailang biyahe na may mga isyu sa software mo. Halimbawa, kung bibigyan ng bisita ng rating na dalawang star ang pag‑check in dahil hindi sila makapasok, mala-log iyon dito kasama ang mga iminumungkahing update para mapahusay ang iyong routine sa pagho‑host.

Resulta ng mga mababang rating, feedback ng bisita sa customer service, o mga pagkansela ng host ang mga isyung lumilitaw dito. Ipapaalam din sa iyo ng log kung nanganganib na masuspinde o maalis ang listing mo.

Mga notipikasyon ng mga pangunahing alituntunin

Padadalhan ka namin ng email at push notification sa pamamagitan ng iyong software provider kung hindi sumusunod sa mga pangunahing alituntunin para sa mga host ang isa sa mga listing mo at nakatanggap ito ng babala o nanganganib na suspindehin o alisin. Dadalhin ka ng notipikasyon sa log ng mga isyu sa listing, na nagsasaad kung anong mga isyu ang iniulat, at may mga suhestyon kung paano aayusin ang mga ito. 

Makakakuha ka rin ng impormasyon kung kailan maaaring i‑activate ulit ang listing pagkatapos ng pagkakasuspinde, pati na rin kung paano maaaring iapela ang pagkakaalis ng listing. Sa Airbnb ka lang puwedeng umapela nang direkta.

Impormasyon ng mga kategorya

Nakakatulong ang Mga Kategorya sa Airbnb sa mga bisita na makatuklas ng milyon‑milyong natatanging lugar na matutuluyan sa buong mundo. Inuuri sa mahigit 60 iba't ibang kategorya ang mga lugar batay sa estilo, lokasyon, o lapit sa aktibidad ng mga ito.

Puwede mo na ngayong alamin kung nasa anong Kategorya sa Airbnb ang bawat listing mo mula sa iyong software. Isa itong nangungunang kahilingan mula sa mga host at magbibigay‑daan ito sa iyo na maunawaan kung paano itinatampok ang mga listing mo sa Airbnb.

Mga notipikasyon sa pagsunod

Makakakuha ka ng notipikasyon sa nakakonekta mong software kapag kailangan mong kumpletuhin ang kinakailangang form ng pagsunod o magbigay ng iba pang impormasyon ng negosyo. Makakatanggap ka rin ng mga mensahe sa software mo kung kailangan ng karagdagang impormasyon. 

Kailangan naming kolektahin at beripikahin ang impormasyon ng negosyo ng mga host sa Airbnb para makasunod sa mga lokal na batas. Sa pamamagitan ng update na ito, malalaman at makukumpleto mo ang mga rekisito sa pagsunod mula sa software mo.

Bilang ng pinapayagang alagang hayop

Sinabi mo sa amin na gusto mong matukoy nang eksakto kung gaano karaming alagang hayop ang komportable kang i‑host. Madali mo na ngayong mailalagay ang maximum na bilang ng mga alagang hayop na gusto mong tanggapin, hanggang lima.

Promo para sa bagong listing

Napag-alaman din naming gusto mong makapag‑alok ng promo ng bagong listing sa mga bisita mula sa software mo. Awtomatikong ilapat ang promo na 20% diskuwento sa unang tatlong booking mo kapag gumawa ka ng bagong listing.

Airbnb
Mar 26, 2024
Nakatulong ba ito?