Gamitin ang mga review ng mga bisita para humusay pa
Puwedeng dumami ang mga booking at lumaki ang mga kita kapag mas maganda ang mga rating at review. Narito ang mainam gawin sa proseso ng pagbibigayan ng review at kung paano ka makakagawa ng pagpapabuti batay sa feedback.
Humingi ng feedback
Humingi ng feedback para maiparating sa mga bisita na gusto mong makapagbigay ng mas magandang karanasan.
Magpadala ng nakaiskedyul na mensahe sa pag‑check out. Humingi sa mga bisita ng pribadong feedback, kabilang na ang mga partikular na ideya kung paano mo napaganda pa sana ang karanasan nila.
- Gawan ng review ang mga bisita mo. Maipapaalala nito sa kanila na gawan ka ng pampublikong review. May 14 na araw kayo pagkatapos ng pag‑check out para bigyan ng review ang isa't isa.
Matuto sa mga rating at review
Bumuo ng simpleng proseso para matukoy kung aling mga suhestyon ang isasama.
- Basahin ang bawat review. Pasalamatan ang mga bisita sa pagbabahagi nila ng saloobin nila at isaalang‑alang ang makabuluhan para sa patuluyan at routine mo, pati para sa iba pang bisita.
- Bigyang‑pansin ang mga star rating. Puwedeng magbigay ang mga bisita ng star rating sa mga partikular na kategorya, at may listahan kung saan mapipili nila kung ano ang maganda o puwede pang mapabuti. Alamin kung may pattern, halimbawa, kung palaging pinipili ng mga bisita ang “Sobrang kalat” kapag nagbibigay ng rating sa kalinisan o ang “Hindi malinaw ang mga tagubilin” kapag nagbibigay ng rating sa pag‑check in.
Gumawa ng mga pagpapahusay
Palagi kang may pagkakataong mapabuti pa ang iniaalok mo sa mga bisita.
- Tumugon sa mga review. Kapag nagbigay ng mga suhestyon ang mga bisita, sumagot para pasalamatan sila at tugunan ang feedback nila. Ipinaparating nito na sineseryoso mo ang feedback. Kung tutugon ka sa pampublikong review, lalabas ang sagot mo sa ilalim ng review na iyon.
- Tumuon sa mga solusyon. Kapag may isyu, tukuyin ang pinakadahilan, at alamin kung ano ang kontrolado mo. Halimbawa, puwede mong mapaliwanag ang madilim na kuwarto kapag naglagay ka ng mga lamp, halamang nakakapagpaliwanag ng paligid, at salamin.
- Magbahagi ng feedback sa team na tumutulong sa iyo. Maaaring kailanganin mong bigyan ng karagdagang gabay ang mga co‑host at tagalinis. Halimbawa, kung napapansin ng mga bisita na may mga bahid ng pagkain sa couch, ipaalam iyon sa sinumang tumutulong sa iyong maglinis.
- I‑update ang listing mo. Karaniwang sumasalamin ang mga review kung gaano kalapit sa mga inaasahan ang naibibigay mong karanasan. Siguraduhing tumutugma sa kasalukuyan mong iniaalok ang mga amenidad, litrato, at paglalarawan ng listing mo.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.