Ano ang Mga Kuwarto?

Alamin kung ano ang kwalipikadong maging Kuwarto at kung paano makapagsimula.
Ni Airbnb noong Ago 10, 2023
3 minutong pagbabasa
Na-update noong Ago 10, 2023

Posibleng maging paraan para kumita ng pera at makakilala ng mga tao ang iyong ekstrang espasyo. Kung mayroon kang ekstrang kuwarto, maaari kang mag-set up ng listing at tumanggap ng mga bisita sa iyong tuluyan.

“Kapaki-pakinabang ito, at hindi lang sa usaping pinansyal,” sabi ni Eric, isang Superhost sa Los Angeles. “Pumupunta ang mga bisita sa California para maglakbay nang sarili nila, pero masayang paglalakbay rin ito para sa amin, dahil hindi namin alam kung sino ang darating. Marami kaming natututuhan tungkol sa mga lugar sa buong mundo.”

Patok ang Mga Kuwarto sa buong mundo at pangatlo ito sa ranking sa mga booking sa lahat ng uri ng lugar na matutuluyan sa Airbnb.* Puwedeng maghanap at mag‑book ang mga bisita ng Mga Kuwarto sa pamamagitan ng paghahanap sa Kategorya sa Airbnb o pagpili sa Mga Kuwarto sa filter sa paghahanap.

Narito ang dapat mong malaman para makapagsimulang mag‑host ng Kuwarto.

Ano ang kwalipikadong maging Kuwarto?

Sa Kuwarto, magkakaroon ang bisita ng sarili niyang pribadong kuwarto sa tuluyan ng host at makakagamit siya ng mga common area kasama ng ibang tao.

Para maging kwalipikado bilang Kuwarto, kailangang matugunan ng listing ang lahat ng pamantayang ito:

  • May sariling pribadong kuwarto na may pinto ang bisita.

  • May magagamit na pribado o pinaghahatiang banyo ang bisita.

  • May magagamit ang bisita na kahit man lang isang common space, gaya ng kusina, sala, o likod‑bahay.

  • Ginagamit ng host ang sarili niyang pangalan sa listing sa halip na pangalan ng negosyo o iba pang pangalan.

  • Pinili ang “Kuwarto” bilang uri ng listing o kuwarto sa mga setting ng listing ng host.

  • Hindi pinaghahatiang kuwarto, hotel, resort, tent, campervan, hiwalay na unit (gaya ng bungalow sa bakuran), o anupamang uri ng property na nasa listahang ito ang pribadong kuwarto.

Kung hindi nakakatugon ang iyong listing sa mga pamantayang ito, pumili ng ibang uri ng tuluyan kapag ginagawa mo ang pag-set up ng iyong listing.

Bakit magandang mag‑host ng Kuwarto?

Higit pang mapapakinabangan ang mga ekstrang kuwarto kaysa mangolekta ng alikabok o gawing taguan ng mga gamit. Kapag ginawang Kuwarto ang ekstrang silid-tulugan, mapapakinabangan ito para sa:

  • Pagkakaroon ng kita. Noong 2022, kumita ang mga Host ng Mga Kuwarto ng mahigit $2.9 bilyong USD sa iba't ibang panig ng mundo, at tumaas nang mahigit 20% ang median na mga kita mula sa 2021.**

  • Pakikipag-ugnayan sa iba. Puwedeng humantong sa makabuluhang pakikisalamuha sa mga biyahero ang pagbabahagi ng iyong tuluyan, mga interes, kultura, at mga lokal na insight.

  • Paggamit sa tuluyan na mayroon ka na. Sa pag-aalok ng iyong ekstrang kuwarto, makakapaghatid ka ng komportableng lugar na matutulugan ng mga magbabayad na bisita, nang hindi gumagastos nang malaki na maaaring mangyari kung magho-host ka ng isang buong tuluyan.

“May malaki akong bahay at mag‑isa akong nakatira dito, kaya nasa perpektong lokasyon at sitwasyon ako para mag‑host,” sabi ni Ruth, isang host sa Perth, Australia. “Hindi ko na kailangang gumastos nang malaki para makabili ng mga higaan, baguhin ang mga kuwarto, isaayos ang mga furniture, o anumang gaya nito.”

I‑tap ang button sa ibaba para mag‑set up ng bagong listing ng Mga Kuwarto o tapusin ang listing na nasimulan mo na.

*Batay sa pandaigdigang datos ng Airbnb na nakolekta sa pagitan ng Mayo 2022 at Marso 2023

**Katamtamang mga kita para sa lahat ng host ng Kuwarto sa iba't ibang panig ng mundo

Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.

Airbnb
Ago 10, 2023
Nakatulong ba ito?