Pag-aalok ng 5-star na tuluyan
Pagtatakda ng mga dapat asahan
Tiyaking kumpleto at tumpak na kumakatawan sa patuluyan mo ang paglalarawan ng iyong listing.
Huwag magsaad ng labis na papuri. Ibahagi ang mga katangi-tanging feature at kakaibang katangian, mula sa hot tub o fireplace hanggang sa lumalangitngit na floorboard o ingay mula sa kalsada.
Mag-upload ng mga litratong may mataas na kalidad at isaad sa mga caption ng litrato ang anumang potensyal na problemang nasa paglalarawan ng listing mo. Mainam na maglagay ng dalawa hanggang tatlong litrato ng bawat kuwarto o bahagi, kabilang ang anumang patok na amenidad.
Huwag gumamit ng mga anggulong sobrang lawak at huwag labis-labis na i-edit ang mga litrato dahil posibleng magmukhang mas malaki o mas maliwanag kaysa sa totoo ang mga kuwarto.
Mahusay na pakikipag-ugnayan
Tandaang ikaw lang ang makakaugnayan ng mga bisitang mamamalagi sa iyong patuluyan.
Maging maagap at kumpirmahing kumpleto na ang mga kailangan ng mga bisita bago sila mag-check in, tulad ng mga direksyon at tagubilin para makapasok.
Tumugon sa lalong madaling panahon sa mga mensahe ng mga bisita.
Gumamit ng ingklusibong pananalita sa iyong mga mensahe. Napakahalaga nito para maparamdam na tanggap ang lahat ng bisita.
Gamitin ang Airbnb app at ang mga tool na tulad ng mga mabilisang tugon at nakaiskedyul na mensahe para mapadali ang pakikipag-ugnayan.
Ipadala ang mga tagubilin sa pag-check in 24 na oras o higit pa bago ang pag-check in para mabigyan ng panahon ang mga bisita na basahin ang mga ito at magtanong. Higit na mahalaga ito para sa mga bisitang may mga pangangailangan para sa accessibility.
Pagtanggap sa mga bisita
Kung minsan, sa maliliit na detalye nakasalalay kung makakatanggap ng four-star o five-star na review.
Napakahalaga ng kalinisan. Tiyaking malinis at walang alikabok ang lahat ng ibabaw, sahig, at tela. Maghanap ng buhok o anumang natirang dumi o alikabok pagkatapos maglinis. Kahit napakaganda ng patuluyan mo, kailangang malinis ito para makatanggap ng mga five-star na review.
Gawing espesyal ang karanasan sa pamamagitan ng pagpapadala ng pambating maikling mensahe o ng mensahe ng pagbati gamit ang app.
Gawing parang tahanan ang patuluyan mo. Halimbawa, kung may kusina ito, mainam na maglagay ng mga kaserola at kawali, sandok, at pangunahing kailangan sa pagluluto.
Malaki ang maitutulong ng maliliit na detalye, tulad ng paglalagay ng kumot sa couch o pagbibigay ng maiinom na kape o tsaa.
Pagtupad sa mga reserbasyon
Bilang bahagi ng mga pangunahing alituntunin para sa mga host, hindi ka dapat magkansela ng mga nakumpirmang reserbasyon. Kung hindi maiiwasang magkansela, dapat mong sikaping magkansela nang may mahaba pang panahon bago ang pag-check in hangga't maaari. Makipag-ugnayan sa Airbnb kung kailangan mo ng tulong.