Mga tip para mapadali ang pagho‑host sa panahong may mataas na demand
Kailangan ng puspusang pagsisikap kapag mataas ang demand: Posibleng mahirapan ka kapag puno ang kalendaryo at wala masyadong pahinga sa pagitan ng mga dumarating na bisita. Subukan ang mga tip na ito para makapagbigay pa rin ng mahusay na hospitalidad kapag peak season.
Pangangasiwa ng mga mabilisang pagpapalit ng bisita
Kapag may regular na gawain ka pagkatapos ng bawat pag‑check out, makakatulong iyon sa mabilis na pagpapalit ng bisita kapag sunod‑sunod ang mga booking. Inirerekomenda ng Superhost sa Mount Barker, Australia na si Robin ang paggamit ng checklist, ikaw man ang naglilinis o nagpapalinis ka sa iba.
“Sa pamamagitan ng paggamit ng checklist, nakakatuon ako sa mga dapat pagtuunan at nasisiguro kong wala akong napapalampas,” sabi ni Robin. “Madaling mabaling sa ibang bagay ang atensyon kapag naabala ka, at gumaganda ang karanasan namin ng mga bisita kapag naaalala ko ang mga munting detalye.”
Higit pang tip para sa pangangasiwa ng mga mabilisang pagpapalit ng bisita:
Maghanda ng maraming linen. Kapag may mga ekstrang sapin at tuwalya, mapapalitan mo ang mga ginagamit sa kuwarto, banyo, at kusina nang hindi kailangang maglaba kaagad. May puwede ka pang magamit sakaling magkaroon ng mantsang mahirap tanggalin gaya ng makeup o sebo.
Gumamit ng mga duvet cover at pamprotekta ng unan at kutson. Maghanda rin ng marami ng ganitong linen para mabilis na makapagpalit kapag may umalis at darating na bisita.
Magpa‑deliver. Siguraduhing may stock lagi ng mga panlinis, gamit sa banyo, grocery, o iba pang produktong regular mong kailangan o ibinibigay sa mga bisita nang hindi nagpapabalik‑balik sa pamilihan.
Maghanda ng maaasahang backup na plano para sa paglilinis, pagmementena, at pag‑aayos ng hardin. Sa pamamagitan nito, masusunod pa rin ang iskedyul kahit na hindi kayo available ng mga katuwang mo. Kung nalulula ka sa mga gawain, pag‑isipang magdagdag ng co‑host.
Pagtitipid ng oras gamit ang mga tool para sa pag‑check out
Madali lang dapat para sa inyo ng mga bisita mo ang proseso ng pag‑check°out. Noong Mayo, naglunsad kami ng mga tool para sa pag‑check out na idinisenyo para mapadali ang proseso para sa lahat.
Kabilang sa mga bagong feature ang mga awtomatikong push notification at pag‑check°out sa isang tap lang. Ipapadala ng Airbnb sa mga bisita ang itinakda mong oras ng pag‑check out at mga tagubilin sa pag‑check out pagsapit ng 5:00 PM sa lokal na oras isang araw bago ang takdang pag‑check out. Matatanggap ang mga ito ng sinumang bisitang gumagamit sa app sa mobile device nang naka-enable ang mga push notification. Puwede rin siyang mag‑tap ng button para ipaalam sa iyo kapag nakapag‑check out na siya, at makakapagsimula ka nang maghanda para sa susunod na bisita.
Isang Superhost sa Forestville, California si Joh at nagpapadala siya ng mga nakaiskedyul na mensahe kapag malapit na ang takdang pag‑check°out, lalo na sa panahong may mataas na demand. “Sinasabi ko sa mga bisita na darating ang tagalinis nang 11:00 AM para ihanda ang apartment para sa mga susunod na bisita nang sa gayon ay maintindihan nila kung bakit mahalagang umalis sa tamang oras,” sabi niya.
Higit pang tip para makatipid ng oras gamit ang mga tool para sa pag‑check out:
Magtakda ng mga pangunahing tagubilin sa pag‑check out. Para mabilis na makagawa ng mga tagubilin, pumili sa listahan ng limang karaniwang gawain. Puwede kang magdagdag ng mga detalye para sa bawat isa. Halimbawa, sa ilalim ng “Itapon ang basura,” puwede mong hilingin sa mga bisita na itapon ang basura at recycling sa magkahiwalay na lagayan.
Maglagay ng mga kahilingang partikular sa patuluyan mo. Kung may amenidad kang ihawan sa labas, puwede mong hilingin sa mga bisita na takpan ulit iyon pagkatapos gamitin.
Magdagdag ng mga card sa pag‑check out. Kapag nakapagtakda ka na ng mga pangunahing tagubilin sa pag‑check out, puwede kang magdagdag ng card sa pag‑check out sa nakaiskedyul na mensahe o mabilisang tugon na naka‑link doon. Mainam na paraan ito para magpadala ng mga paalala sa mga bisitang hindi nag‑enable ng mga push notification sa Airbnb app.
Pagtatampok ng mga pamanahong amenidad
Ayon sa pandaigdigang datos ng Airbnb, dumami nang 60% ang mga paghahanap ng mga listing na may swimming pool sa unang tatlong buwan ng 2023 kumpara sa mga naturang buwan noong 2022. Beach, mga preskong pool, at mga cabin ang Mga Kategorya sa Airbnb kung saan pinakamaraming nag‑book.
Kapag in‑update mo ang iyong listing para itampok ang mga pamanahong feature at amenidad, matutulungan mo ang mga bisitang naghahanap sa iniaalok mo na mahanap at ma‑book ang patuluyan mo.
“Interior decorator ang kapatid ko at binabago niya ang hitsura ng patuluyan namin depende sa panahon gamit ang mga hiniram niya sa gift shop sa bayan,” sabi ni Fred na Superhost sa Placencia, Belize. “Nagdaragdag din kami taon‑taon ng bagong amenidad na espesyal para maengganyong bumalik ang mga dating bisita. Nagdagdag na kami ng gazebo, obserbatoryo, at bar sa ibabaw ng tubig.”
Higit pang tip para sa pagtatampok ng mga pamanahong amenidad:
Magdagdag ng mga litratong natatangi sa panahon. Sa mas maiinit na buwan, magtampok para sa mga bisita ng mga kuha ng preskong pool, ihawan sa labas, duyan, o daan papunta sa beach. Para sa mas malalamig na panahon, magbahagi ng mga litrato ng fireplace, hot tub, o daan papunta sa mga lift para sa ski‑in/ski‑out.
Iangkop ang paglalarawan ng listing mo. Nagdagdag ka ba kamakailan ng mga amenidad sa property, gaya ni Fred at ng kapatid niya? Banggiting bago ang mga iyon sa paglalarawan ng listing mo at magdagdag din ng mga litrato.
I‑update ang mga detalye ng listing mo. Suriin ang mga setting ng account mo at tiyaking pinili mo ang tsek sa tabi ng lahat ng amenidad na kasalukuyan mong iniaalok. Maglagay ng higit pang detalye kapag hiningan ka noon.
Posibleng nagbago ang impormasyong nakasaad sa artikulong ito mula noong na‑publish ito.